Nagsagawa ng isang hydrogen nuclear device test ang North Korea kaninang umaga ayon sa North Korean state TV.
Inilabas ang pahayag ilang oras matapos ma-detect ng US Geological Survey ang isang 5.1 magnitude na lindol malapit sa nuclear test site sa Punggye-ri, North Korea.
Ayon sa state TV, matagumpay na naisagawa ang naturang nuclear test.
Ika-apat na ang naturang test sa mga isinagawa ng naturang bansa sa kabila ng sanctions mula sa Estados Unidos at United Nations laban sa nuclear at missile programmes nito.