Nailigtas ang 139 na mga Pilipino matapos harangin ng mga kawani ng Philippine Coast Guard at National Bureau of Investigation ang passenger ship na “Forever Lucky.” Patungo sana sa Micronesia ang barko kaninang madaling araw.
Ayon sa Maritime Industry Authority (MARINA), walang permit to navigate ang nasabing sasakyang pang-dagat. Peke rin anila ang mga dokumentong ipinakita ng nasa 41 tripulante nito.
Iligal na ni-recruit ang mga Pilipinong lulan ng barko na galing pa sa iba’t-ibang mga probinsya sa Pilipinas at nakatakda sanang magtrabaho sa naturang sasakyang pangdagat.
Samantala, nasa kustodiya na ng PCG at NBI ang mga nahuling tripulante ng barko.
Tags: human trafficking, NBI, PCG