Pabor si senador Ferdinand Marcos, chairman ng senate committee on local government na buksan muli ang imbestigasyon sa Mamasapano incident.
Ayon kay senador Marcos may karapatan ang ilang senador na magtanong muli sa nasabing insidente.
Itoy upang mabigyan ng katarungan ang pamilya ng mga nasawing miyembro ng special action force sa Mamasapano clash noong nakalipas na taon.
Paliwanag ni Marcos isang taon na ang nakalipas pero tila walang ginagawang hakbang ang Department of Justice upang papanagutin ang mga responsable sa insidente.
Pero kung may bagong impormasyon muli na lalabas sa re-opening ng probe ay posibleng makaapekto ito sa isinusulong na panukalang Bangsmoro Basic Law.
Ang proposed BBL ay kasalukuyang nakabinbin pa rin sa plenary debate.
Matatandaang nagsagawa ang senado ng limang public hearing at limang executive session sa Mamasapano incident.
Tatlumput pito namang resource persons ang naimbitahan para sa nasabing imbestigasyon.
Ayon kay senador Marcos wala namang mawawala kung mag iimbestiga muli ang senado alang-alang sa interes ng publiko at pamilya ng SAF 44.
Matatandaang inaprubahan ng senate committee on rules ang pagbalik ng Mamasapano committee report sa mga komiteng nagsagawa ng pagdinig dito.
Ayon sa rules ng senado kung may bagong impormasyon ay maaring magsagawan ng pagdinig at di nawawalang kabuluhan ang findings ng nakalipas na probe.
Samantala nag-ikot ngayong araw sa ilang lugar sa quezon city si Marcos.
Kabilang dito ang Commonwealth Market, Payatas at terminal sa Batas Quezon City.
Bran de Paz / UNTV News
Tags: Bangsamoro Basic Law, BBL, commonwealth market, Sen. Bongbong Marcos