Mga isyung legal ukol sa problema sa plaka at drivers license, prayoridad ng bagong LTO Chief

by Radyo La Verdad | January 5, 2016 (Tuesday) | 2465

Roberto-Cabrera
Opisyal ng nagsimula sa kanyang bagong trabaho bilang hepe ng Land Transportation Office si dating LTRFB Executive Director Roberto Cabrera ngayong lunes.

Malaking hamon na kinakaharap ni Cabrera kung paano masosolusyunan ang napakaraming problema ng LTO sa ngayon.

Ayon kay Cabrera, wala siyang anumang programa na ipatutupad kundi aayusin lamang niya ang mga nakabinbing mga proyekto ng LTO.

Sa ngayon ay pansamantalang itinigil ng LTO ang paniningil ng bayad sa mga bago at renewal ng plaka dahil sa inilabas na notice of disallowance ng Commission on Audit.

Sa ngayon virtual plate o mga papel lamang ang inisyu ng LTO dahil naka hold lahat ang plaka sa pier at hinihintay pa ang order ng COA kung ano gagawin sa mga ito.

Pinangangambahan ding magkaroon ng malaking kakulangan sa issuance ng drivers license card dahil sa injunction na inilabas ng Manila Regional Trial Court.

Karamihan ng mga kumukuha ngayon ng lisensya sa LTO ay kapirasong papel muna ang matatanggap dahil walang available na mga card.

Malaking abala naman ito sa mga driver dahil may katagalan ang proseso sa pagre-renew ng lisensya

Ayon kay Cabrera, gagawin niya ang lahat ng magagawa upang masolusyunan ang mga problema sa LTO, mag rereport rin siya sa publiko hinggil sa mga developments sa ahensya.

Tumutol naman ang grupong Bayan Muna sa pagtatalaga ng bagong hepe sa LTO.

Ayon kay Representative Neri Colmenares, hindi sagot sa problema ang paglalagay ng bagong LTO Chief dahil ang kailangan ay magkaroon ng masusing imbestigasyon sa umano’y mga anomalya at korapsyon sa LTO.

(Mon Jocson/UNTV News)

Tags: ,