Matapos ang holiday season, ang preparasyon naman para sa National elections sa darating na Mayo ang tututukan ngayon ng Philippine National Police.
Ayon sa PNP, mas paiigtingin pa nila ang kanilang kampanya laban sa mga loose firearms at partisan armed groups.
Bukod sa pagbabantay sa anim na unang isinailalim ng PNP sa election hotspots, patuloy rin ang kanilang monitoring sa mga lugar na mataas ang kaso ng election-related crimes noong mga nakaraang halalan.
Kabilang sa election hotspots ang Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Western Samar, Maguindanao at Lanao Del Sur.
Iniimbestigahan na rin ng pnp ang mga ulat na natatanggap hinggil sa umano’y mga panghaharass sa ilang pulitiko at kandidato.