Nagpahayag ng pagka-dismaya ang mga kamag-anak ng pambansang bayani sa Torre de Manila na nagsilbing photo bomber sa monumento ni Doctor Jose Rizal sa luneta.
Ayon kay Isaac Reyes, great grand nephew ni Rizal, kawalang-galang ito sa isang bayani.
“It’s a national disgraced to that building is obstructing the view of our national hero. This what i plan to do tomorrow, im gonna come here and sit here with a sign and anyone else would like to join me in a protest against that building is welcome to join.” Pahayag ni Reyes
Sa kasalukuyan ay wala pang desisyon ang Korte Suprema sa petisyon na inihain laban sa DMCI kaugnay ng pagtatayo ng kontrobersyal na Torre de Manila.
Tags: Isaac Reyes, Torre de Manila
Muling tatalakayin ng Korte Suprema ang kaso ng kontrobersyal na Torre de Manila Condominium sa kanilang susunod na sesyon sa Baguio City sa April 25.
Kasama ito sa agenda sa unang summer session kanina ngunit nagpasya ang mga mahistrado na ipagpaliban ang paglalabas ng desisyon sa kaso.
September 2014 nang magpetisyon ang Knights of Rizal at hiniling na ipagiba ang naturang gusali dahil panira umano ito sa tanawin ng bantayog ni Jose Rizal sa Luneta.
June 2015 naman nang maglabas ng Temporary Restratining Order ang SC at ipinatigil ang pagtatayo ng apatnaput siyam na palapag na gusali.
Dati namang iginiit ng DMCI na wala silang nilabag na batas at binigyan sila ng pahintulot ng pamahalaang lungsod ng Maynila upang maitayo ang Torre de Manila.
(Roderic Mendoza)
Tags: April 25, Korte Suprema, Torre de Manila
Pinatitigil ng Korte Suprema ang pagtatayo ng kontrobersyal na Torre de Manila Condominium.
Isang TRO o Temporary Restraining Order ang inilabas ng Korte Suprema laban sa mga developer ng naturang gusali.
Kinuswestyon ng Knights of Rizal ang pagtatayo sa naturang gusali dahil nagsisilbi umano itong photobomber o nakasisira sa view ng monumento ni Jose Rizal.
Nagtakda ang Korte ng Oral Arguments sa darating na June 20 upang dinggin ang petisyon.
Tags: Torre de Manila