Bentahan ng paputok sa Divisoria matumal ayon sa mga tindero

by Radyo La Verdad | December 31, 2015 (Thursday) | 5309

PAPUTOK
Sa kabila ng siksikan at napakaraming mga tao ang naglipana sa Divisoria ngayong araw, mahina ang benta ng mga nagtitinda ng paputok dito sa Divisoria dalwang araw bago ang pagpapalit ng taon.

Ayon sa mga vendor malaki ang ibinaba ng kanilang benta ngayon, kumpara noong nakaraang taon.

Anila pangunahung dahilan nito ay ang paulit-ulit na panawagan ng pamahalaan sa pag-iwas sa paputok.

Upang hindi malugi at mabawi ang pahunan ibinagsak na nila ang presyo ng paputok.

Ang pailaw gaya ng roman candle ay ibinebenta ng 3 for P100.

Ang mas maliit dito na tinatawag na “mabuhay” P10 per box.

Ang fireworks naman kung kanilang tawagin ay mabibili sa halagang P250 hanggang P800.

Kaharamihan naman sa mga mamimili mas pinipili ang fountain na 3 for P100 hanggang P250 ang isa.

Ayon sa mga mamimili mas pinili nila ito dahil ito ay pailaw lamang at hindi naman pumuputok.

Ang ilang magulang naman upang maiwasan ang aksidente sa kanilang mga anak bumili na lamang ng mga torotot na nagkakahalaga ng P5 hanggang P25.

Samamatala mahigpit na panawagan ng doh sa ating mga kababayan ang pagiwas sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa pagpapalit ng taon.

Sa tala ng DOH umabot sa 351 ang fire related injuries sa pagsalubong sa 2015 mas mababa ito ng 30% kumpara sa 578 firecracker related cases noong 2014.

Una naring nagpaalala ng mga doktor sa publiko na sakilang kayo ay maputukan, linisin ang sugat gamit ang sabon sa running water.

Ibalot ito sa malinis na tela at saka dalhin sa pinakamalapit na ospital upang hindi maimpeksiyon.

(Grace Casin/UNTV News)

Tags: , ,