Kumpara ng mga nakaraang araw mas kakaunti na ang mga pasahero sa Araneta Bus Terminal.
Sa tantya ng araneta bus terminal management, aabot na lamang ng lima hanggang anim na libo ang mga tao sa terminal
Tinatayang ngayong gabi rarami ang mga pasahero pauwi ng Bicol at Quezon dahil labing dalawang oras lamang ang biyahe rito
Kumpara sa biyaheng visayas na inaabot ng beinte kwatro oras, kung ngayong gabi bibiyahe maaaring abutan na ng putukan sa daan ang mga pasahero na lubhang delikado sa mga maglalakbay
Fully booked pa rin ang karamihang bus na biyaheng visayas at iilan na lamang ang ticket na natitira
At gaya ng naunang problema, marami pa ring mga bus ang delayed ng dating, subalit tiniyak ng management na sapat ang mga bus at hindi magkukulang
Wala namang namonitor ang LTFRB na nagsamantala at nagtaas ng pasahe sa mga bus company
Sa pagsisimula ng inspeksyon noong nakaraang linggo, dalawang bus ang nahuli na colorum na pagmumultahin ng isang milyong piso
Sa mahigit dalawang daang driver naman na isinailalim sa drug test, tatlo lamang ang nag positibo sa ipinagbabawal na gamot
Ang mga pagiinspeksyon at drug test ay hanggang bukas na lamang ng hapon ayon sa LTFRB.
Ang sunod na pinaghahandaan ngayon ng Araneta Bus Terminal Management ay ang pagbabalik naman ng mga pasahero galing sa probinsya sa susunod na linggo.
(Mon Jocson/UNTV News)
Tags: Araneta bus terminal