Iprisinta na ngayon lunes ng Jose Reyes Memorial Medical Center ang ilan sa medical equipment na kanilang gagamitin sa mga posibleng mabibiktima ng paputok.
Ayon sa JRMMC sa ngayon pa lamang ay nakahanda na sila sa inaasahang pagdagsa ng mga mapuputukan sa pagsalubong sa bagong taon.
Samantala isang bata ang naka-admit ngayon sa JRMMC matapos na magtamo ng second degree burn dahil sa luces.
Sa salaysay ng 15- anyos na si Banjo Agdeppa, pinagbebenta sya ng kanyang lola ng mga luces.
Isang bata rin umano ang bumili at nagpasindi sa kanya ng biniling luces, ngunit aksidenteng nasindihan at sumiklab ang iba pang luces na naka-ipit sa kanyang mga braso.
Nangako naman ang bata na hindi na muling magbebenta at gagamit ng luces at iba pang uri ng paputok.
(Joan Nano/UNTV News)