Biktima ng paputok, umakyat na sa 111

by Radyo La Verdad | December 28, 2015 (Monday) | 2010

PAPUTOK
Batay sa pinakahuling tala ng DOH, as of 06:00am ngayon lunes, umaabot na sa 111 ang nabiktima na ng paputok, apat na araw bago sumapit ang pagpapalit ng taon.

Naitala ang pinakamataas na kaso sa National Capital Region na umaabot na sa 47 kaso.

Sinusundan ito ng Region V na may 23 kaso, Region 11 na may 14 na kaso, Region 4A na may 7 kaso, habang nasa 6 naman sa Region 12.

Ang iba pang kaso ng mga naputukan ay naitala naman sa iba pang probinsya na sakop ng Luzon at Mindanao Region.

Sa Metro Manila, ang lungsod ng Maynila ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naputukan.

Kasama rin dito ang Quezon City, Mandaluyong, Paranaque at Las Pinas City.

Nangunguna pa rin ang ipinagbabawal na piccolo sa mga paputok na sanhi ng mga fire cracker related injury.

(Joan Nano/UNTV News)

Tags: ,