Mga lugar na sinalanta ng bagyong Nona, binisita ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | December 24, 2015 (Thursday) | 5651

SAMAR
Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Aquino sa Northern Samar at Mindoro upang makita ang lawak ng pinsala ng nagdaang bagyong Nona.

Kinamusta naman ng Pangulo ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyo dito sa pinamalayan Oriental Mindoro.

Dito ay namigay siya ng mga relief good.

Nakipagpulong rin si Pangulong Aquino sa mga municipal mayor ng Mindoro, Oriental Mindoro Governor Alfonso Umali at Congressman Reynaldo Umali kaugnay naman ng assessment sa naging lawak ng pinsala ng nagdaang bagyong Nona.

Batay sa huling ulat, umabot sa mahigit tatlumpung libong tahanan ang totally damage at mahigit 46 thousand naman na mga bahay ang partialy damage.

Nasa mahigit 474 million ang halaga naman ng kabuuang pinsala ng bagyong Nona sa agrikultura,imprastraktura at power sectors sa Mindoro.

Umapela ang mga opisyal ng Mindoro kay Pangulong Aquino na tulungan sila sa recovery at rehabilitation management partilular na ang livelihood program sa agriculture sector.

(Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: , ,