Lumabas na balita sa sinasabing desisyon ng Comelec En Banc, hindi totoo ayon sa kampo ni Senador Poe

by Radyo La Verdad | December 23, 2015 (Wednesday) | 3922

ATTY-GEORGE
Nilinaw ni Atty. George Erwin Garcia abogado ni Senator Grace Poe na wala pang lumalabas na desisyon ang Comelec En Banc sa disqualification case laban kay Senador Poe.

Ayon kay Atty. Garcia, dahil sa lumabas na balita sa sinasabing desisyon ay nagdudulot ito ng kalituhan sa taong bayan.

Sinabi pa Atty. Garcia, hindi makatao ang ginawang pagpapalabas ng maling impormasyon.

Hiniling din ng kampo ni Senador Poe sa myembro ng Comelec En Banc na sana ay ilabas na lang ang naturang desisyon sa susunod na linggo upang magkaroon sila ng pagkakataon na makapaghain ng Temporary Restraining Order sa Korte Suprema.

(UNTV Radio)

Tags: , ,