Mga Colombian hati ang opinyon sa kontrobersyal na pagaanunsyo sa nanalong Miss Universe 2015

by Radyo La Verdad | December 23, 2015 (Wednesday) | 1523

GUTIERREZ
Hindi magkakapareho ang reaksyon ng mga mamamayan sa Colombia sa maling announcement ng host sa nanalong Miss Universe sa Las Vegas.

Nagdiwang ang buong Colombia nang isigaw ni Miss Universe Host Steve Harvey na ang kanilang kababayan na si Ariadna Gutiérrez ang Ms. Universe 2015.

Ngunit napalitan ang kagalakan at pagbubunyi ng mga taga-Colombia nang bawiin ni harvey ang naunangpahayag at sinasabing si Pia Wurtzbach ng Pilipinas ang tunay na nanalong Miss Universe.

Para sa dating beauty queen na si Paula Correa hindi pa rin sila makapaniwala sa nangyari

“We were clearly very excited. We could not believe it. Honestly, we were happy because Ariadna marvellously represented all of us from sucre, from Colombia. It all of a sudden went from a moment full of joy and excitement to a moment full of humiliation and sadness for us. It really seems unfair to me.” pahayag ni Correa

Nalungkot naman ang maraming residente dito sa Colombia dahil sa pagbawi ng korona

Ayon kay President Santos mananatili parin na Miss Universe para sa kanila si Miss Colombia

Sa instagram post naman ni Ariadna sinabi nito na mananatili rin sa kanya ang moment kung saan makikita sa larawan na suot niya ang korona at sash ng Miss Universe 2015

Sa kabila nito ilan naman sa mga mamamayan ng colombia ay nagpakita ng paghanga sa ating kababayan na si Miss Universe Pia Wurtzbach.

(RC Reyes/UNTV News)

Tags: , ,