Isa isang ininspeksyon ng Philippine National Police Firearms and Explosives Division ang mga tindahan ng paputok dito sa Bocaue Bulacan.
Sinita ng mga ito ang mga dealer at retailer na lumalagpas sa marapat na dami ng display ng paputok at pailaw.
Batay sa Republic Act 7183, 500 kilograms ng fire crackers at isang libong kilo pyrotechnic devices lamang ang dapat na nakadislay para sa mga dealer.
Para naman sa mga retailer, 50 kilograms lamang ng firecrackers at isang libong kilo rin ng pyrotechnic devices ang maaaring i-display.
Kinumpiska naman ang mga paputok na walang nakalagay na label at manufacturer.
Matapos magikot sa mga tindahan, pinasok din ng mga kawani ng PNP ang mga bodega ng paputok upang tiyakin kung nasa tamang sukat ang mga ito
Hindi din dapat puno ng paputok ang bodega upang maiwasan ang posibleng pagsabog lalo na ngayong mainit ang panahon.
Samantala, sa tala ng Bulacan PNP, hindi bababa sa dalawang pung libo ang mga nakumpiskang illigal na paputok sa bayan ng Bocaue mula pa noong dec 4 hanggang Dec 17.
Kabilang sa mga nakumpiska ang goodbye philippines, bin laden, plapla, kwiton, at iba pa iligal na paputok.
(Nestor Torres/UNTV News)
Tags: Republic Act 7183