VP Jejomar Binay, bumawi sa presidential survey race ng Pulse Asia; Mar Roxas umaasang mangunguna rin sa mga susunod na survey

by Radyo La Verdad | December 22, 2015 (Tuesday) | 4715

PULSE-ASIA
Nakuha ni Vice President Jejomar Binay ang top spot sa pinakabagong Pulse Asia Survey sa Presidential Race sa 2016 elections.

Sa 4th quarter survey ng Pulse Asia, nakakuha ng 33 percent ni VP Binay, considered tied sa pangalawa pwesto si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 23 percent at si Senator Grace Poe na may 21 percent, sumunod sa kanila si dating DILG Secretary Mar Roxas na may 17 percent , si Senator Miriam Defensor Santiago ay nakakuha naman ng 4 percent.

Nakabawi si VP Binay sa survey mula sa 19 percent na nakuha niya sa survey noong Setyembre.

Ayon naman kay VP Binay, snapshots pa lamang ito ng sentimiento ng taongbayan sa kasalukuyan at ang tunay na resulta ay makikita sa halalan sa mayo ng susunod na taon.

Nagpasalamat rin si Binay sa kinalabasan ng survey na ayon sa kanya sa kabila ng maruming pamumulitika ng mga kalaban ay marami pa rin ang nagtitiwala sa kanya.

Ayon naman kay Roxas, magulo ang isinagawang survey at baka sa susunod ay siya naman ang manguna.

Sinabi ni roxas na mahalaga pa rin ang may malinis na record at malinaw na plataporma na makikita sa tuwid na daan kaya tuloy lamang ang kanyang trabaho.

Nanguna naman sa Vice Presidential Race Survey si Chiz Escudero, pangalawa si Bongbong Marcos, pangatlo si Alan Cayetano, Leni Robredo na pangapat, Gregorio Honasan ay panglima at pang anim si Antonio Trillanes the fourth.

Aminado naman si Escudero na nakaapekto kay poe ang mga disqualification cases na inihain sa comelec laban .

Ngunit hindi sila titigil na ipabatid sa publiko na hindi pa tapos ang proseso kahit pa diniskuwalipika na si Poe sa 1st at second Division ng Comelec.

Samantala nananatiling nasa unang pwesto naman si Tito Sotto sa Senatorial Race survey, pasok rin sa winning circle sina Recto, Lacson, Gordon, Zubiri, Drilon, Pangilinan, Osmena, De lima, Pacquiao, Guingona, Gatchalian at Hontiveros.

Ang latest Pulse Asia Survey ay ginawa noong December 4 hanggang 11, 2015, sa 1,800 respondents mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , , ,