Labintatlong Pilipino ang nagtamo ng minor injuries sa magnitude 6.4 na lindol na yumanig sa timugang bahagi Taiwan noong Sabado ng madaling-araw.
Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) Executive Director Antonio Basilio, nalapatan na ng lunas at nakauwi na sa kani-kanilang dormitoryo ang mga nasaktang Pinoy.
Tinatayang nasa tatlumpung libo ang mga Filipino worker sa Taiwan at limang libo rito ang naka-base sa Tainan kung saan pinaka-naramdaman ang epekto ng lindol.
Tags: OFW, Taiwan quake