13 patay;10 nawawala sa Northern at Western Samar dahil sa bagyong Nona–OCD 8

by Radyo La Verdad | December 21, 2015 (Monday) | 1732

JENELYN_SAMAR
Sa pinaka huling ulat ng Office of the Civil Defense Region 8, labing tatlo na ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng bagyong Nona sa Northern at Western Samar.

Labing dalawa rito ay mula sa Northern Samar at ang isa naman ay mula sa Western Samar, may naitala ring pitong daang sugatan sa norting bahagi ng Samar dahil sa bagyo.

Sampu naman ang naiulat na nawawala sa Lao-ang Northern Samar, ang mga ito ay nagmula sa Brgy. Palmera, Brgy. Rawis, Little Venice, Brgy. Sto. Nino, Brgy. Talisay at Brgy. Kahayaan.

Ayon kay Police Chief Inspector Rafael Tayaban, Chief of Police sa Lao-Ang, sa Batag Island ng Lao-ang Northern Samar nag land fall ang bagyo kaya nagkaroon ito ng una at pangalawang bugso ng malakas na hangin.

Sa imbistigasyon na isinagawa ng PNP, lumalabas na pagkatapos ng unang bugso ng hangin inakala ng mga biktima na tapos na ang bagyo, kaya nagpilit itong makatawid papuntang mainland ng bayan.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,