13 patay sa pagsabog ng petrochemical plant sa Mexico

by Radyo La Verdad | April 22, 2016 (Friday) | 2463
Pagsabog ng petrochemical plant sa Mexico(REUTERS)

Pagsabog ng petrochemical plant sa Mexico(REUTERS)

Umakyat na sa 13 ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog ng petrochemical plant sa Mexico.

Nasa 136 rin ang sugatan at 20 pa ang pinaghahanap matapos ang pagsabog.

Ayon sa mga otoridad posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga namatay dahil sa dami ng mga nasugatan na ang iba ay nasa kritikal na kondisyon.

Ayon sa may ari ng planta na Pemex sa ngayon ay hindi pa malinaw ang sanhi ng pagsabog bagama’t sinasabing may nag leak na langis mula sa planta.

Sa ngayon ay aabot na sa 100 plant workers at dalawang libong naninirahan malapit sa planta ang inilikas na.

Tags: , ,