13 patay, 34 sugatan dahil sa Bagyong Tisoy — NDRRMC

by Erika Endraca | December 6, 2019 (Friday) | 4567

METRO MANILA – Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Tisoy sa bansa kung saan umabot na sa 13 ang kumpiramdong nasawi habang 34 naman ang sugatan ayon sa National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC).

Sa bagong tala ng ahensya, 2 ang namatay sa Calabarzon Region ; 7 sa Mimaropa habang 4 naman sa Region 8.

Patuloy naman ang pagkumpirma ng Ndrrmc sa iba pang napaulat na nasawi partikular na sa Bicol Region kung saan 5 umano ang namatay. Nasa mahigit 8,000 bahay at mahigit 100 eskwelahan din ang napinsala.

Hindi pa tukoy kung magkano ang kabuuang pinsala sa imprastaktura dahil patuloy pa ang damage assessment ng pamahalaan sa mga lugar na napinsala ng bagyo.

Nasa mahigit 90,000 pamilya o mahigit 400,000 indibidwal naman ang naapektuhan ng bagyo mula sa mahigit 1,000 baranggay. Habang mahigit 83,000 pamilya ang nananatili sa 2,000 evacuation centers.

Samanatala tiniyak naman ng NDRRMC na sapat ang relief goods para sa mga naapektuhang lugar.

Sa ngayon ay mahigit sa P3-M ng ayuda ang naibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Office of Civil Defense (OCD) sa mga apektadong pamilya.

(Harlene Delgado | UNTV News)

Tags: ,