13 Maute members, patay sa pinakabagong bakbakan sa Marawi City

by Radyo La Verdad | October 19, 2017 (Thursday) | 2209

Labintatlo pang natitirang miyembro ng Maute terrorist sa Marawi City ang napatay ng mga sundalo.

Kasalukuyan pang kinukumpirma ng Armed Forces of the Philippines kung kasama sa mga ito ang Malaysian high-profile terrorist na si Mahmud Ahmad.

Una nang sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na nasa battle area pa si Mahmud nang mapatay at makuha ng mga sundalo sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.

 

Tags: , ,