METRO MANILA – Inihayag ng State Weather Bureau PAGASA na nasa transition period na ang bansa sa tag-ulan o rainy season.
Dahil dito, inaasahan na sa darating na mga araw na mas magiging madalas na ang mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Climate Monitoring and Prediction Section Chief ng PAGASA na si Ana Liza Solis, posibleng sa 3rd quarter ng taon papasok ang La Niña kasabay ng kasagsagan ng hanging habagat o southwest monsoon.
Kaya posibleng mararanasan ang malalakas na mga pag-ulan hanggang Disyembre.