13 deaf tour guides, binigyan ng accreditation ng DOT

by Radyo La Verdad | December 12, 2018 (Wednesday) | 6260

Upang tugunan ang serbisyong nararapat sa mga turistang kabilang sa deaf community, naglunsad ang Department of Tourism (DOT) ng programang “Tourism for All”.

Layun nito na mapaglingkuran ang mga person with disability (PWD), partikular sa mga deaf o bingi, hindi lang dito sa Pilipinas, kundi para na rin sa iba pang dayuhang turista upang lubos na maranasan at ma-enjoy ang pagbisita sa mga parke at museo na makikita sa Maynila.

Sumailalim sa training ang grupo nina Jaime Aquino ng Deafinite Tour Guiding Services, kung saan kabilang sa itinuturo ay ang mga kwento at kasaysayan ng mga lugar.

Makalipas ang anim na buwan, sinubukan ng Department of Tourism (DOT) ang kakayahan ng mga ito sa pamamagitan ng pag-imbita sa mga deaf tourist mula sa Philippine School for the Deaf.

Matagumpay namang nabigyan ng accreditation ng DOT ang labingtatlong deaf tour guides para tumulong sa pag-assist ng mga turistang may espesyal na pangangailangan.

 

Tags: , ,