13 beach goers, nahuling nagpa-pot session sa isang beach sa La Union

by Radyo La Verdad | October 30, 2017 (Monday) | 6810

Inaresto ng mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 13 kabataang beach goers matapos maaktuhang nagpa-pot session sa dalampasigan ng Brgy. Urbiztondo, San Juan, La Union noong Sabado ng gabi.

Ayon sa hindi na nagpakilalang  PDEA agent, nakatanggap ang mga ito ng report mula sa isang nangangasiwa  ng resort na may mga kabataan na humihithit umano ng marijuana habang nagkakasiyahan sa dalampasigan. Nang siyasatin, napatunayang  positibo ang ulat at agad na inaresto ang grupo ng kabataan. Nakumpiska sa mga ito ang ilang pakete ng hinihinalang marijuana at drug paraphernalia.

Ayon sa kapitan ng Urbiz Tondo, pawang mga dayo lamang sa lugar ang mga nahuling kabataan. Tumanggi namang magbigay  ng pahayag ang mga kabataang nahuli na nasa edad 19 hanggang 24 anyos.

Isinailalim na ang mga suspect sa booking procedure at inihahanda na rin ang kaso laban sa mga ito.

 

( Toto Fabros / UNTV Correspondent )

Tags: , ,