Pahenante na lulan ng isang cargo truck na sangkot sa isang aksidente, tinulungan ng UNTV News and Rescue sa Camarines Sur

by Radyo La Verdad | December 22, 2015 (Tuesday) | 2517

ALLAN_TMBB
Nagtamo ng maraming gasgas at sugat sa katawan ang pahenante ng isang truck na kinilalang si Salestiano Asaula Jr. ng Brgy. Sugod, Tinambac sa Camarines Sur matapos bumangga sa isang bakod sa bayan ng Magarao,Camarines Sur ang sinasakyan nitong truck pasado ala-una ng madaling araw kanina.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Magarao nawalan umano ng control ang truck na mnamaneho ng kanyang kasama na hindi na nagpakilala.

Patungo sana sa isang fishpond sa Tinambac ang tatlo upang magdala ng crab meat sa lugar subalit pagdating pa lamang ng Magarao, Camarines Sur doon na naganap ang aksidente.

Nagkataon naman na nagsasagawa ng roving sa oras na yun ang UNTV News and Rescue sa lugar kung kaya’t nadatnan ng grupo na nakaupo sa isang sulok si Asaula.

Agad na nilinis ng rescue team ang sugat ng biktima dahil sa pagkakasalpok ng kanilang sasakyan.

Habang nayupi naman ang harapan ng truck na kanilang sinasakyan dahil sa tindi ng impact sa bakod.

Matapos lapatan ng paunang lunas tumanggi ng magpahataid sa hospital ang biktima.

Nakahanda naman umanong panagutin ang pinsala kanilang naidulot sa bakod na kanilang nasira.

Samantala nauna na rito may tinulungan nang aksidente ang UNTV News and Rescue Team sa Pili Camarines Sur na isa ring vehicular accident.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,