Wala munang holiday break ang mga tauhan ng Zamboanga City Police Office ngayong holiday season.
Ayon kay Zamboanga City Police Chief Angelito Casimiro, emergency leave at sick leave lamang ang maaring makuha ng mga police ngayong holiday.
Ito ay kahit na nagbigay ng mandato ang PNP Central Office na magkaroon ng dalawang skedyul ng break para sa mga pulis.
Una ay nagsimula noong linggo hanggang sa sabado habang ang pangalawa ay sa December 27 hanggang January 3, 2016.
Ito umano ay dahil sa sari-saring banta na nakaamba sa siyudad lalo na kapag ganitong panahon.
Ayon sa opisyal na napagkasuduan ng iba’t-ibang chief of police sa probinsya ng Zamboanga na huwag isakripisyo ang kaligtasan ng publiko laban sa terorismo lalo nat inaasahang gagawa ang mga masasamang loob ng mga bagay upang samantalahin ang pagdiriwang ng ating mga kababayan.
Inamin ng pulisya na marami silang natatanggap na mga banta mula sa mga lawless element.
Ayon kay Casimiro, patuloy na ginagawang operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa kalapit probinsya ng Basilan at Sulu laban sa Abu Sayyaf.
Kaya di dapat na ipagbawalang bahala na posibleng tatakas ang mga ito sa kalapit lugar tulad ng Zamboanga Peninsula.
Laging paalala ng mga otoridad sa publiko na laging mahinanahon at mapagmatyag sa ganitong panahon.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)
Tags: "no holiday break", tauhan, Zamboanga City Police Office