DOH, nakapagtala na ng 10 kaso ng fire-cracker related injuries

by Radyo La Verdad | December 21, 2015 (Monday) | 1451

JOAN_IWAS-PAPUTOK
Hindi pa man sumasapit ang pagpapalit ng taon, umaabot na sa sampu ang mga biktima ng paputok.

Batay sa datos ng Department Of Health.hanggang kahapon,December 20, nakapagtala na ng 10 kaso ng fire-cracker related injuries sa mga probinsya.

Tatlo sa mga ito ay sa Laguna,dalawa sa Rizal, habang tig-iisa naman sa mga lalawigan ng Ilocos Norte,Isabela, Nueva Vizacaya,Iloilo at Davao Del Norte.

Karamihan sa mga biktima ay mga batang lima hanggang labing dalawang taong gulang.

Walo sa sampu ay naputukan ng Piccolo, habang dalawa naman ay Whistle Bomb na pawang mga ipinagbabawal na paputok.

Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na huwag gumamit ng paputok upang makaiwas na maputukan.

Sakali namang mabiktima ng paputok paalala ng DOH sa publiko agad na lapatan ng pangunang lunas ang sugat upang hindi ma-impeksiyon.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,