128 weather gadgets naikabit na sa Eastern Visayas kapalit ng mga nasirang kagamitan dahil kay ‘Yolanda’

by Radyo La Verdad | July 28, 2016 (Thursday) | 939

JENELYN_Regional-Director-Edgar-Esperancilla
Patuloy nang ikinakabit ng PAGASA-DOST sa Eastern Visayas ang iba’t ibang weather forecasting devices gaya ng rain gauges, flood monitoring device at automatic water level station.

Ayon kay Regional Director Edgar Esperancilla, isangdaan at dalawampu’t walong devices na ang kanilang na-install kapalit ng mga kagamitang nasira nang manalasa ang Bagyong Yolanda noong 2013.

Maliban rito, plano rin ng DOST na maglagay ng device sa flood-prone areas na iilaw at tutunog bilang hudyat ng paglikas sa mga residente.

May naka-install na ring water sensor sa lahat ng malalaking ilog sa bansa na maaaring magbigay ng data sa Project Noah.

Mahalaga ito upang maabisuhan ang mga residente sa posibleng pag-apaw ng tubig kapag masama ang lagay ng panahon.

Samantala, humingi ng dispensa ang DOST sa mga taga Eastern Visayas dahil nagpalit sila ng network provider sa ginagamit na sim cards kaya pansamantalang hindi gumana ang ilan nilang equipment.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: ,