Sa botong 6 – 1, tinanggap na ng Comelec En Banc ang substitution ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Martin Diño bilang kandidato sa pagka-pangulo ng PDP laban.
Batay sa rules ng poll body kailangang aprubahan ng En Banc ang substitution ng isang kandidato upang ito ay maging balido.
Dahil sa desisyong ito ng komisyon, kabilang na sa listahan ng mga kandidato si Duterte.
Subalit paglilinaw ng komisyon, hindi makakaapekto ang resolusyong ito ng En Banc sa petisyong dinidinig ng Comelec 1st division laban sa kandidatura ni Duterte at sa ano pa mang disqualification cases na maaaring ihain laban sa alkalde.
Dahil dito tuloy pa rin ang pagdinig ng Comelec sa isinampang petisyon ni Ruben Castor na kumukwestyon sa validity ng certificate of candidacy ni Martin Diño at sa substitution ni Mayor Duterte.
Bukas itinakda ang pagdinig ng 1st division sa Castor petition.
Ipinatawag na rin ang mga abugadong nagnotaryo sa certificate of candidacy ni Duterte at sa statement of withdrawal nito nang umatras siya sa pagtakbong Mayor ng Davao.
Sakaling hindi pumanig kay Duterte ang desisyon ng 1st division, maaring ma disqualify pa rin ito sa pagtakbo bilang pangulo.
Nanindigan naman ang Comelec na wala silang ginagawang special treatment kay Mayor Duterte.
(Victor Cosare/UNTV News Correspondent)
Tags: certificate of nomination and acceptance, COMELEC, comission on elections, davao mayor rodrigo duterte, duterte