No bio No boto Policy ng Comelec, pinagtibay ng Korte Suprema

by Radyo La Verdad | December 17, 2015 (Thursday) | 1464

THEODORE-TE
Pinagtibay ng Korte Suprema ang ipinatutupad na ‘No bio No boto’ Policy ng Comelec.

Dinismiss ng ang petisyon ng Kabataan Partylist dahil wala anila itong merito.

Binawi na rin ang temporary restraining order na pansamantalang pumigil sa Comelec na tanggalin sa listahan ang may dalawa’t kalahating milyong mga botante na walang biometrics.

Binawi na rin ang temporary restraining order na pansamantalang pumigil sa Comelec na tanggalin sa listahan ang may dalawa’t kalahating milyong mga botante na walang biometrics.

Unanimous ang naging botohan sa desisyon.

Ayon sa korte, hindi maituturing na substantive requirement ang biometrics data na hinihingi ng Comelec sa mga botante gaya ng sinasabi ng mga petitioner.

Bahagi lamang anila ito ng proseso sa pagrerehistro at hindi ito labag sa saligang-batas ng bansa.

Sinang-ayonan din ng korte ang katwiran ng Comelec na layon ng No bio No boto Policy na linisin ang listahan ng botante sa bansa.

Taliwas ito sa katwiran ng mga petitioner na labag sa due process ang ginawa ng Comelec dahil basta na lamang tinanggal sa listahan ang mga botanteng walang biometrics.

Ikinagulat naman ng mga petitioner ang naging desisyon ng Korte Suprema.

Dahil dalawang linggo lamang ang nakaraan nang magpasya ang Korte na pansamantalang pigilan ang Comelec na ipatupad ang nasabing polisiya.

Nakalulungkot lamang umano na nakumbinsi ng comelec ang korte na maaaring hindi matuloy ang halalan dahil sa inilabas nilang TRO.

Ikinatuwa naman ng Comelec ang desisyon dahil maisasapinal na nila ang listahan ng mga botante at hindi na kakailanganing baguhin pa ang bilang ng mga presinto.

Ipinauubaya naman ng Malakanyang sa Comelec ang nararapat na gawin upang matiyak hindi maaantala ang kanilang paghahanda sa pagdaraos ng halalan sa darating na Mayo.

(Roderic Mendoza/UNTV News)

Tags: , , ,