Nagpatawag na ng oral arguments ang Korte Suprema upang talakayin ang issue sa citizenship ni Sen Grace Poe.
Itinakda ng Supreme Court ang oral arguments sa January 19 ng susunod na taon, ganap na alas dos ng hapon.
Inatasan din ng korte ang Senate Electoral Tribunal na magsumite ng kanilang comment sa petisyon ni Rizalito David sa loob ng labinlimang araw.
Inihain ni David ang petisyon bilang apela sa desisyon ng S-E-T na nagsasabing isang natural born filipino citizen si Poe at kwalipikado itong maupo bilang senador ng bansa.
Kinwuestyon ni David ang pagkamamamayan ni poe sa pamamagitan ng quo warranto petition sa S-E-T sa paniwalang hindi natural born citizen ang senadora dahil hindi tukoy kung sino ang mga tunay na magulang nito hanggang sa kasalukuyan.
(Roderic Mendoza/UNTV News)
Tags: citizenship, oral arguments, Sen. Grace Poe