61 sa mahigit 6,000 panukalang batas, naipasa sa ilalim ng 16th congress

by Radyo La Verdad | December 17, 2015 (Thursday) | 1600

SPEAKER-BELMONTE
Umabot lamang sa 61 ang mga panukalang batas na naisabatas ng Kamara mula sa mahigit anim na libong bills na inihain ngayong 16th Congress.

Kabilang dito ang Sin tax law, K-12, Reparation and Recognition of Victims of Human Rights Violations during the Marcos Regime, RH Bill, 13th Month Pay and other benefits Tax Ceiling, Cyber Crime Prevention Act, Mandatory Biometrics Voter Registration, Anti-bullying Act, Lemon law, Competition Act, Cabotage Act Amendments, Graphic Health Warnings on Tobacco Products, Pagasa Modernization Act at iba pa.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., malaki ang maitutulong ng mga batas na ito hindi lang sa bawat indibiduwal at manggagawang pilipino kundi sa pagangat ng ekomoniya ng bansa.

Ipinagmalaki rin ng House Speaker na sa ilalim ng Adminstrasyong Aquino ay maagang naipasa ang panukalang pondo na hindi nagawa sa mga nagdaang administrastyon.

Subalit ang minorya sa Kamara hindi kumbinsido sa performance ng 16th congress.

Para sa minority mas marami paring mga panulakang batas na mas mapapakinabangan ng mga pilipino ang hindi naipasa.

Gaya ng FOI Bill, Anti Political Dynasty Bill, Genuine Agrarian Reform Bill, 125 wage increase at BBL.

(Grace Casin/UNTV News)

Tags: ,