Sa kauna-unahang pagkakataon ay sabay-sabay na sumuko sa mga otoridad ang mga indibidwal na umano’y sangkot sa ipinagbabawal na gamot sa Cagayan de Oro City.
Nasa isandaan at dalawampu’t anim na umano’y drug dependents ang kusang sumuko sa mga pulis at nangakong magbabagong buhay na.
Ayon sa city police, resulta ito ng isinagawang Oplan Tukhang o katok at pakiusap, katuwang ang barangay anti-drugs abuse council.
Kinuhanan ng larawan at impormasyon ang mga sumuko at isasailalim rin sila sa drug testing dalawang beses sa isang buwan bilang bahagi ng monitoring at reformation program.
(Weng Sanchez/UNTV Radio)
Tags: drug dependents