ACT Teachers, nakikiusap sa pamahalaan na gamitin ang savings mula sa National budget ngayong taon upang ibigay na Year-End bonus sa mga empleyado

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 1862

AIKO_TINIO
Sa kauna-unahang pagkakaton hindi magbibigay ng karagdagang year-end bonus ang Malacañang sa tinatayang 1.4 million na government employees

Ito ay dahil noong Nobyembre pa naibigay na ang 13th month pay at cash gifts sa lahat ng government employees.

Sa loob din umano ng tatlong taon ay hindi pa nagkakaroon ng salaray increase para sa mga emplayado sa bansa.

Ayon naman kay ACT Teachers Partylist Representative Antonio Tinio dapat umano na may sapat na ipon/ savings ang Malacañang mula sa Presidential lump-sum o ang Miscellaneous Personnel Benefits Fund.

Mula sa pondong iyon, handa pa rin dapat umano na magbigay ng additional year-end bonus ang Administrasyong Aquino na nagkakahalaga ng P5,000 para sa bawa’t isang government employee.

(Aiko Miguel / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , , ,