Inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang talaan ng napinsala dulot ng bagyong Nona.
Umabot na sa higit tatlong libo ang damaged houses sa ilang bahagi ng probinsya dahil sa pananalasa ng bagyong nona.
Ayon sa NDRRMC nasa 3,155 na mga bahay na ang napinsala sa Regions IV-B, V at VIII.
Ang estimated cost of damage naman ng infrastraktura at agrikultura ay nagkakahalaga ng 159,506,070.20 sa regions IV-B at V.
Habang nasa 165,554 na pamilya ang naitalang nag pre-emptive evacuation mula sa rehiyon ng IV-A,IV-B, V, VII at VIII.
Isa naman ang naitalang nasawi dahil sa nagliliparang mga bubong sa allen northern samar. Nakilala ang biktima na si Aucente Pascual Jr. 31 years old.
Kaugnay naman sa power supply, nasa limang siyudad at isang daang munisipalidad sa apat na probinsya ng Regions IV-A, IV-B, V at VIII ang naapektuhan ngunit ngayong araw dalawang siyudad at tatlumput walong munisipalidad na sa Regions IV-A, V at VIII ang may kuryente na.
Samantala wala pa rin linya ng komunikasyon sa bahagi ng Northern Samar, not passable naman ang walong kalsada at isang tulay sa Regions IV-B, V at VIII.
Umabot naman sa 42,237,310,00 ang cost of assistance o naibigay na tulong ng DSWD
Sa regions IV-A, V at VIII.
Sa ngayon ay nasa bahagi na ng West Philippine Sea ang bagyong Nona ngunit may inaasahan pang isang bagyong papasok sa Philippine Area of Responsibility mamayang hapon at bukas inaasahang mararamdaman ang epekto nito.
(Ara Mae Dungo / UNTV Radio Correspondent)
Tags: Bagyong Nona, NDRRMC, Partial assesment, pinsala