125,000 trabaho, alok ng DOLE sa mga Pilipino sa araw ng kasarinlan

by Radyo La Verdad | June 6, 2018 (Wednesday) | 5425

Inaanyayahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng mga fresh graduates at job seeker na magtungo sa 21 job and business fair sites sa buong bansa sa darating na Martes, ika-12 ng Hunyo.

Nasa halos 125,000 na mga trabaho ang naghihintay sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan.

Mahigit animnapung libo dito ay para sa local employment at kabilang sa top job vacancies ang production machine operator at mahigit pitong libong vacant positions sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Navy at Bureau of Jail Managenment and Penology (BJMP).

Mahigit 53,000 naman ang bukas para sa overseas employment kung saan nangangailan sila ng service workers, nurse,  engineer, labor workers,  sales personnel at mga karpintero .

Kabilang sa mga bansang may job opening ang KSA, UAE, Qatar, Malaysia, Japan, Oman at New Zealand.

Ang pinakasentro ng isasagawang job fair sa National Capital Region ay sa Senior Citizen’s Garden, Rizal Park Manila.

Tinitiyak ng DOLE na lahat ng mga kumpanyang kalahok sa job and business fair ay hindi mag-aalok ng kontraktwal na trabaho lalo na’t mahigpit ang bilin ng pamahalaan na wakasan na ang endo sa bansa at gawing regular ang mga manggagawa.

Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 2.3 million ang unemployed pa rin sa bansa.

Ayon sa DOLE, sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng job and business fair,  mababawasan ang mga walang trabaho.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,