Bail petition ni Sen. Jinggoy Estrada sa kasong plunder kaugnay ng PDAF scam, dedesisyunan na ng Sandiganbayan 5th Division

by Radyo La Verdad | December 15, 2015 (Tuesday) | 1344

JOYCE_SEN.ESTRADA
Dedesisyunan na ng Sandiganbayan 5th Division ang bail petition ni Sen. Jinggoy Estrada sa kasong plunder kaugbay ng PDAF Scam.

Ito ay matapos masubmit for resolution na ng korte ang hiling ni Estrada na makapagpiyansa.

Base sa rules of court mayroon 48 hours para maglabas ng desisyon ang korte ngunit maaari pa sila humingi ng extension sa Korte Suprema katulad ng ginawa ng 1st Division na humahawak sa bail petition ni Sen.Bong Revilla at ng 3rd Division na humahawak naman kay Janet Lim Napoles, ang kapwa akusado ni Sen. Juan Ponce Enrile.

Ang dapat sana bail hearing na summary in nature ay inabot ng mahigit isang taon at anim na buwan dahil sa dami ng ebidensya na iprinisinta sa korte.

Una naman nagpahayag ng kumpiyansa ang senador na pagbibigyan ito na magpiyansa gayong wala naman aniyang malakas na ebidensya ang prosekusyon na naiprisinta laban sa kanya.

Sa ngayon ay ang bail petition na ni Estrada ang ikatlong dedesisyunan ng Sandiganbayan kaugnay ng PDAF Scam.

Maaalalang hindi pinagbigyan ng 1st division si Sen.Revilla dahil ebidensya nagtuturo ng kanilang partisipayson sa scam. Denied din ang bail petition ni Napoles sa 3rd division habang pinayagan naman si Sen.Enrile ng Korte Suprema sa basehang maselan ang kanyang kundisyon at hindi naman ito flight risk.

Tags: , ,