by Radyo La Verdad | December 15, 2015 (Tuesday) | 1482

IMAGE_FEB212013_UNTV-News_NDRRMC
May mga ulat na nakarating sa NDRRMC hinggil sa mga casualty dulot ng bagyong Nona partikular na sa Catarman, Samar.

Subalit ayon sa NDRRMC, kinakailangan pang i-validate ang ulat sa pamamagitan ng Department of Health at Department of Interior and Locale Government kung ito ay may kaugnayan sa bagyo.

Sa kasalukuyan, higit 162 libong pamilya o higit 733 libong indibidwal ang inilikas sa mga evacuation center.

Nawalan din ng suplay ng kuryente ang mga bahagi ng probinsya ng Quezon, Marinduque, Romblon, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Eastern Samar, Northern Samar at Samar.

Mayroon ding suliranin sa linya ng komunikasyon sa Northern Samar simula pa kagabi.

Samantala, may mga kalsada at tulay sa Northern Samar na napaulat na hindi na madaanan tulad ng Mapanas hanggang Palapag Road, Allen hanggang Catarman Road, Lope de Vega hanggang Catarman Road at Hibaca-an Bridge sa San Jose de Buan.

Sa ngayon ay muling nagsasagawa ng pagpupulong ang member agencies ng NDRRMC hinggil sa naging epekto nitong bagyong Nona.

(Rosalie Coz / UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,