DOTC, nilinaw na sa 2017 pa ipapatupad ang mandatory phase out ng mga 15 yr old public utility jeepney

by Radyo La Verdad | December 15, 2015 (Tuesday) | 2093

PUJ
Binigyang linaw ng Department of Transportation and Communication ang kanilang polisiya ukol sa pagphaseout ng mga lumang puj o public utility jeep.

Sa memorandum circular na inilabas ng DOTC, simula January 1 hanggang December 31 2016 o sa susunod na taon ay boluntaryo o maaring magkusa ang mga jeepney operator na palitan ang kanilang jeep na nasa mahigit labing limang taon na ang edad.

Bibigyan ang mga jeepney operator ng isang taong palugit upang makapagpalit ng bagong unit kung nais nilang makapagpatuloy sa kanilang hanap buhay.

Maglalaan naman ng financial assistance ang pamahalaan sa mga jeepney operator upang makabili ng mga bagong sasakyan.

Ngunit simula Enero nang 2017, mandatory na ang pagphase out sa mga lumang jeepney at hindi na papayagan na pumasada ang mga ito sa lansangan sa buong bansa.

(Mon Jocson/UNTV News)

Tags: ,