122 aplikasyon ng mga Telco na kumpleto na sa requirement at nabayaran na nakabinbin pa rin sa mga LGU – ARTA

by Erika Endraca | August 28, 2020 (Friday) | 4609

METRO MANILA – Sa isinagawang pagiimbestiga ng Anti-Red Tape Authority (ARTA)  ukol sa umano’y mabagal na pagproseso ng mga lokal na pamahalaan sa aplikasyon ng Telecommunication Companies (TELCO).

Lumabas na mula sa 1,571 na aplikasyon ng mga telco para sa pagpapatayo ng cell towers.

Mayroong 122 application ang naka-pending pa rin ang approval kahit pa kumpleto na umano sa requirement at nakapagbayad na ang telco.

Ayon kay ARTA Director General Attorney Jeremiah Belgica pinagsumite nila ng ang smart at globe ng listahan ng kanilang aplikasyon sa mga lgu upang makumpirma ang isyu.

Subalit natuklasan ng ARTA na may iba sa kanila ang kulang pa tlaga sa requirements at may hindi pa nababayaran.

Kaugnay nito magsasagwa pa ng isa pang imbetigasyon ang ARTA upang maberepika, ang tunay na dahilan kung bakit nabibinbin ang aplikasyon ng mga telco.

“Ang ARTA ngayon is conducting a summary hearing kasi mayroon claim tsaka counter claims ang magkabilang kampo so would be conducting summary hearing by next para makita talaga natin kung kumpleto na o hindi” ani ARTA Director General, Atty. Jeremiah Belgica.

Kapag napatunayan na kumpleto at bayad na ang telcos, agad na maglalabas ng automatic approval ang ARTA.

Sakali namang tumanggi at harangin pa rin ng LGU officials ang aplikasyon, nagbanta ang ARTA na susupendihin ang mga ito.

“Kapag nakita natin na kumpleto na yan ang next step natin dyan ay ide-declare ng ARTA na automatically approved and we would be telling the LGU’s na automatic approval na po yan kaya ialabas nyo yung papel and upon their refusal, ay dun sila makakasuhan masususpinde o maaring matanggal kung labis po ng isang beses nila itong ulitin”ani ARTA Director General, Atty. Jeremiah Belgica.

Nauna nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga LGU na humaharang at nagpapabagal umano sa aplikasyon ng mga telco, kaya’t problema pa rin sa ngayon internet at telecommunication sa bansa.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: ,