Walo na naitalang patay sa naganap na sunog sa Brgy. Damayang Lagi sa Quezon City kaninang madaling araw.
Tinupok ng apoy ang nasa limampung bahay at tinatayang nasa isang daan at dalawampung pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa insidente.
Umaabot hanggang sa ikaapat ng alarma ang sunog at tinatayang aabot sa dalawang daan at limampung libong piso ang kabuoan ng halaga ng mga ari-arian naabo.
Pasado alas dos ng madaling araw ng matapos ang sunog at ideklarang fire out ng BFP Quezon City.
Ayon sa Quezon City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa bahay ng nagngangalang Elsa Jama
Isa sa tinitingnang posibleng pinagmulan ng sunog ay ang mga ilegal na koneksyon ng kuryente
Paalala ng mga otoridad, palaging i-chek ang linya ng mga kuryente at ireport sa kinauukulan ang mga illegal connection upang makaiwas sa sunog.
(Benedict Galazaz/UNTV News)