P1.5B na suhol sa mga kongresista para sa pagpapasa ng proposed BBL, pinabulaanan ng Malakanyang

by Radyo La Verdad | December 11, 2015 (Friday) | 4297

PRESIDENT-AQUINO
Pinabulaanan ng Malakanyang ang ulat na inalok ni Pangulong Benigno Aquino III ng malaking halaga ang mga kongresista na dumalo sa ipinatawag nitong pulong para maipasa na ang Proposed Bangsamoro Basic Law.

Sinuhulan umano ng kabuoang 1.5 billion pesos ni Pangulong Aquino ang mga kongresista.

Ayon sa Malakanyang, walang katotohanan ang naturang ulat.

“Walang katotohanan at walang batayan ang paratang na yan.” pahayag ni Presidential Communication Operations Office Sec. Herminio Coloma Jr

Kasalukuyan ay nakabinbin pa rin sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang batas na naglalayong palitan ang kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM. (Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: , ,