BICAM Report sa 2016 Proposed National Budget, raratipikahan ng kongreso sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 1759

NEPTALI-GONZALES-II
Nagkasundo na ngayon myerkules ang mataas at mababang kapulungan ng kongreso na pagisahin ang dalawang bersyon ng 2016 Proposed National Budget.

May ilang re-alignment at pagbabago na ginawa sa panukalang pondo ng bansa sa susunod na taon.

Kabilang na rito ang 1.2 billion pesos na inilaan para sa mga mahihirap na senior citizens.

Sila ay makatatanggap ng 500 pisong benepisyo mula sa gobyerno kada buwan simula sa susunod na taon.

Dinagdagan din ang capital outlay Budget ng State Colleges and Universities o SUC’s ng 2.7 billion pesos para sa 2016.

Ang mga World War 2 Veteran naman ay nilaanan ng 4 billion pesos para sa kanilang benipisyo matapos ang ilang taong pagkabinbin nito sa kongreso.

May pondo naring inilaan ang pamahalaan para sa unang yugto ng Salary Standardization Law of 2016.

Pitong bilyong piso naman ang inilaan ng pamahalaan para sa dagdag na sahod ng mga empleyado ng gobyerno sa buong taon ng 2016.

Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II nakatakdang ratipikahan ng House of Representative ang BICAM report sa susunod na linggo.

Pagkatapos nito ay agad na itong dadalhin sa Malakanyang upang lagdaan ng pangulo at maging ganap na batas.

Ipinagmalaki naman ni House Committee on Appropriations Chairman Isidro Ingab na sa buong anim na taon na panunungkulan ni Pangulong Aquino palaging maagang naipapasa ng kongreso ang national budget. (Grace Casin/UNTV News)

Tags: ,