Dating senador, umapela sa mga kongresista na pagtuunan na ng pansin ang pagpasa sa BBL

by Radyo La Verdad | December 9, 2015 (Wednesday) | 2156

darlene_nene-pimentel
Umapela si dating Senador Aquilino Nene Pimentel Jr. sa mga kongresista na ipasa na ang proposed Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon kay Pimentel, bagamat naniniwala syang maraming pang dapat ayusin sa BBL, mas mahalaga pa rin ngayon na maipasa na ito ng kongreso para umabot na sa bicameral hearing at tuluyan nang maipasa.

Dagdag pa nito na ang pagpasa sa BBL ay kailangan dahil ipinangako ito ng pamahalaan.

Sa ngayon ay nasa plenary debate sa senado ang BBL at nasa second reading sa mababang kapulungan ng Kongreso.

(Darlene Basingan/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,