120 mga bagong fire trucks, ipinamahagi sa iba’t ibang rehiyon sa bansa

by Radyo La Verdad | December 4, 2015 (Friday) | 2901

FIRE-TRUCKS
Isandaan at dalawampung bagong fire trucks ang ipinamahagi ng Bureau of Fire Protection at Department of the Interior and Local Government sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ngayo huwebes.

Tinanggap ito ng mga Locale Government Official na dumalo sa isinagawang turnover ceremony sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna.

Ayon kay DILG Secretary Mel Sarmiento, ang pamamahagi ng firetrucks sa iba’t ibang rehiyon ay bahagi ng isinasagawang modernisasyon ng ahensiya.

Sa pamamagitan nito ay mas magagampanan ng maayos ng mga miyembro ng BFP ang kanilang tungkulin at mas mabilis na marerespondehan ang anumang insidente ng sunog.

Kumpara sa mga lumang unit ng firetruck, mas moderno ang disenyo ng bagong firetrucks na may mataas na kapasidad ng tubig na maaaring ikarga.

Agosto nitong taon unang ipinagkaloob ng DILG sa BFP ang walumpung fire truck na may 1,000 galon capacity at may kakayahang makapagbuga ng tubig hanggang sa labindalawang palapag na gusali.

Target ng DILG na magkaroon ng isang bagong firetruck sa bawat munisipalidad sa bansa sa 2016.

Sa susunod na taon ay inaasahang makukumpleto ang delivery ng 469 firetrucks na ipamamahagi sa buong bansa. (Sherwin Culubong /UNTV News)

Tags: , ,