120 gamot, bababa ang presyo ng 56% sa Disyembre

by Erika Endraca | October 17, 2019 (Thursday) | 5228

METRO MANILA, Philippines – Inaasahang bababa ang presyo ng 120 gamot sa bansa bago matapos ang taon. Ayon sa Department of Health (DOH), karamihan ng mga gamot na ito ay para sa mga pangunahing sakit na pumapatay sa mga Pilipino.

Gaya ng gamot para sa Hypertension, mga sakit sa puso, sakit sa baga, neonatal diseases, arthritis, psoriasis, diabetes at mga gamot para sa cancer. Paliwanag pa ng DOH, napili nila ang mga gamot na ito dahil mas mataas ang presyo ng mga ito sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa .

Pati ang mga gamot na limitado lamang ang kompetisyon sa merkado o napapabilang sa monopolyo,  ay bababa rin ang presyo. Lahat nang ito ay bunsod ng pagpapatupad ng cheaper medicines act na layong mas maging accessible sa publiko ang mga gamot sa mga pangunahing sakit ng mga Pilipino.

Pero kailangan ang Executive Order ng Pangulo para dito dahil sa ilalim ng nasabing batas ang Pangulo lang ang may kapangyarihang magtakda ng price cap sa mga gamot sa bansa. Tinatapos na rin ng DOH ang Maximum Retail Price (MRP) sa mga gamot na isusumite nila sa Pangulo.

Samantala, bukod dito magkakaroon na rin ng outpateint drug benefit sa susunod na 2 taon ang mga pasyente bukod sa mga benepisyo ng hospitalization sa ilalim ng universal health care law.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,