12 Quarantine facilities sa Maynila, wala ng laman

by Radyo La Verdad | February 22, 2022 (Tuesday) | 1039

METRO MANILA – Hindi na okupado ang nasa 693 na higaan sa 12 quarantine facilities sa lungsod ng Maynila dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Mayroon na lamang 369 active infections nitong Lunes (February 21) matapos madagdagan ng 32 kaso. Bumaba ito mula 391 nitong Linggo (February 20).

Bumaba naman mula 1,004 active cases nitong February 4 sa 948 ng kasunod na araw at nanatiling mababa sa libo hanggang sa ngayon.

Samantala, nasa 8% occupancy rate o 40 na higaan lang sa 6 na district hospitals ang naitala na ginagamit ngayon para sa mga naka-admit na pasyente.

Ina-admit sa ospital ang mga COVID-19 positive na may malubha o kritikal na sintomas at ina-isolate naman sa quarantine facilities ang may mild to moderate symptoms.

Ayon sa Department of Health, maaari pang bumaba sa Alert Level 1 dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)

Tags: