12 nanalong senador sa isinagawang 2022 national elections, naiproklama ng COMELEC                                                        

by Radyo La Verdad | May 20, 2022 (Friday) | 14800
Proklamasyon ng mga nanalong senador sa May 9, 2022 National and Local Elections. Photo: COMELEC

Pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections en banc na tumatayong National Board of Canvassers ang 12 senador na nanalo nitong katatapos lang na 2022 national and local elections. Sa 12, tatlo ang bagong senador, 5 returning senators at apat na reelectionist.

Binuksan ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan ang programa at binasa naman ni Comm. George Erwin Garcia ang resolusyon upang ideklara ang mga senador para sa 19th congress.

Sa pormal na proklamasyon tinawag sila mula top 12 hanggang top 1, nguni’t batay sa ranking ang mula sa top 1 hanggang top 12 ito ay sina:

Robin Padilla – 26,612,434

Loren Legarda -24,264,969

Raffy Tulfo- 23,396,954

Win Gatchalian- 20,602,655

Chiz Escudero- 20,271,458

Mark Villar- 19,475,592

Alan Peter Cayetano-19,295,314

Migz Zubiri- 18,734,336

Joel Villanueva- 18,486,034

JV Ejercito- 15,841,858

Risa Hontiveros- 15,420,807

Jinggoy Estrada- 15,108,625

Nagpasalamat si COMELEC Chairman Pangarungan sa isang matagumpay, ligtas at payapang 2022 national and local elections. Katunayan kakaunti ang election- related violence ngayong 2022.

Aiko Miguel | UNTV News

Tags: ,