12 nanalong Senador, iprinoklama na ng Comelec

by Erika Endraca | May 23, 2019 (Thursday) | 19271

Manila, Philippines – Naipagpaliban man ng ilang beses ay pormal na ngang iprinoklama kahapon May 2, 2019 ng Commission on Elections O (COMELEC) na tumatayong National Board of Canvasssers (NBOC) ang 12 panalong senador nitong 2019 midterm elections.

Pasado alas-9 ng umaga kahapon nagdatingan sa PICC ang mga iprinoklamang senador kasama ang kanilang mga kaanak at .

Unang iprinista ng mga opisyal ng comelec ang pang 12 senador na si incumbent Sen. Nancy Binay na may 14.504 million votes .

Isinunod ang nakakuha ng top 11 senate spot na si Ramon Bong Revilla Jr na may 14.62 million votes.

Top 10 si Sen. Koko Pimentel na may 14. 668 million votes .

Sinundan ang pang top 9 na si Francis Tolentino na may 15.5 million votes.

Pang 8 si Imee Marcos na may 15.8 million na boto.

Kasunod si Lito Lapid na nakakuha ng 16.9 million votes.

Nasa ika-6 na pwesto naman si Sen. Sonny Angara na nagkamit ng 18.16 million votes.

Sinundan ni Bato Dela Rosa na may 19.004 million votes.

Pang apat naman si Pia Cayetanon na may 19.78 million votes.

Top 3 naman si Bong Go na may 20.6 million votes .

Nasa 2 pwesto naman si Sen. Grace Poe na nakakuha ng 22.02 million votes.

At top 1 si Senator Cynthia Villar na nakakuha ng 25.2 million votes.

Isa- isang ibinigay ng NBOC ang kanilang certificates of proclamation. Tatagal ang kanilang termino ng anim na taon mula June 30 ngayong taon hanggang sa June 30, 2025.

Samantala, 5 sa mga nanalong senador ay re-electionist ang mga ito ay sina sen grace poe, sen sonny angara, sen koko pimentel at sen nancy binay

Samantala, sa pagsisimula ng session ng 18th Congress sa Hulyo, kasama na ang 12 mga nanalong senador.

Nagpasalamat naman si Comelec Chairman Sheriff Abas, sa lahat ng mga ahensyang tumulong sa pagsasagawa ng matagumpay na halalan.

Bagaman may mga naging aberya, nailabas ang pinal at opisyal na resulta ng halalan, makalipas ang isang Linggo lamang. Tiniyak din ni Chairman Abas papanagutin ang mga nagpabayang supplier.

“I already issued a memorandum. Pina- hold ko lahat ng payment ng mga nabangggit na supplier doon, ipapa- review ko sa law department. Titignan kung may violation of contract or may mga penalty nga na pwede naming i- impose sa mga suppiler but again we will give them opportunity to answer.” Ani Comelec Chairman Sheriff Abas .

Bukas din ang poll body sa imbestigasyon ng senado sakaling ipatawag sila sa pagbubukas ng 18th congress sa June 30.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: , ,