Bicam report ng 2016 Proposed National Budget dadalhin na ngayong araw sa Kamara

by Radyo La Verdad | December 9, 2015 (Wednesday) | 1394

AIKO_BICAM
Natapos na ng Bicameral Conference Commitee ang deliberation ng 2016 National budget na nagkakahalaga ng 3.002 trillion pesos.

Nakatkada itong maratipikahan sa dalwang kapulungan ng Kongreso ngayong araw.

Hindi umano ginalaw na ng Komite ang budget ng Department of Education (DepEd); Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of National Defense (DND) and Department of Health (DOH).

Matapos itong maratipikahan ngayong araw, dadalhin na ito kay Pangulong Aquino upang mapirmahan at maging ganap na batas sa susunod na linggo.

Naaprubahan ng Bicameral Commitee ang P57 Billion para sa Salary Standardization Law na saklaw ang mga manggagawa ng bansa.

Nakatanggap ang DepEd ng may pinakamataas na allocation na nagkakahalaga ng P412 billion, o mas mataas ng 22 percent kompara sa kasalukuyang budget ngayong taon na P321-B.

Bukod sa pagpopondo sa kontruksyon ng 47,500 classrooms, malaking bahagi ng pondo ng DEPed ay napupunta sa implementasyong ng K-12 program.

Nakatanggap ang DPWH ng P385 billion, ang DND at DOH ay may budget na P126 billion and P124 billion,

Samantala, ang batas upang maitaas ang SSS pension package ay naaprubahan na rin ng dalawang kapulungan ng Kongreso at kasalukuyan ng iniimprenta upang mapiramahan at maging ganap na batas.

(Aiko Miguel/UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,