50 kongresista, nagpahayag na susuportahan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | December 8, 2015 (Tuesday) | 2073

CONGRESSMAN-KARLO-NOGRALES
Inihayag ni Congressman Karlo Nograles na dating Liberal Party member na 40 porsiyento ng 50 kongresista mula sa Mindanao ay nagpahayag na susuportahan si Davao City Mayor Rodigro Duterte sa pagtakbo nito sa panguluhan sa halalan sa darating na Mayo.

Bukas naman si Mayor Duterte na tanggapin ang mga opisyal ng gobyerno na ngayon ay lumilipat na ng suporta sa kanya.

“So it would be good if they would just file their membership or an alliance or whatever with pdp because i have a party.” ani Duterte.

Samantala, ramdam ni Liberal Party Presidential bet Mar Roxas ang init ng pagtanggap sa kaniya ng mga taga Laguna kahit kilala itong balwarte ni Vice President Jejomar Binay.

Bagaman hindi nagbigay ng reaksyon si Roxas sa resulta ng huling isinagawang survey sa pampanguluhan kung saan pang apat lang siya sa pwesto, kumpiyansa naman ang dating kalihim na mas titignan umano ng mga pilipino ang mga nagawa ng proyekto sa ilalim ng Administrasyon Aquino na ipagpapatuloy niya sakaling maluklok sa pwesto.

Ibinida ni Roxas sa kaniyang paglilibot sa Laguna ngayong martes ang walang iwanan fund na kabilang sa mga programa sa ilalim ng tuwid na daan.

“Walang maiiwan dito dahil ang alokasyon dito batay sa bilang ng residente sa bawat bayan we are one hundred milion filipino’s times 1000 pesos is one hundred billion pesos kung saan ka man nakatira kung ano ang bilang ng tao sa iyong bayan may kabahagi ka dun sa 100 bilion pesos.” Pahayag ni Roxas.

Tags: ,